Naghahanap ka ba ng pangkabuhayan na abot-kaya at a budget price?
Alam mo ba na kahit hindi ka umalis ng bahay, maraming paraan para makapag simula ng negosyo! Huwag matakot sumugal sa malaking kapital, dahil maraming bagong opportunity ng ‘business-from-home’ na talaga namang tutulong sa pang araw-araw na kabuhayan.
Handa ka na bang kumita sa abot-kayang presyo at nang hindi lumalayo sa sariling bahay? Sari sari store man o ukay-ukay business, to ang mga patok na negosyo na maaari mong simulan!
Loading...
1. Food tray business
Mayroon ka bang special recipe na minana mula kay Mama? It’s time to show off your culinary skills sa isang food tray business! Dahil marami na rin ang nagtatrabaho from home, hindi lahat ay may oras na magprepare ng handa sa mga espesyal na okasyon. Marami ngayon ang pinipiling umorder ng food trays o food bilao kung may bisita o may ice-celebrate sa bahay.
Booming rin ang business ng food delivery sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Hindi mo na kailangan lumabas ng bahay para ipadala ang iyong putahe sa mga customer! Maaari kang mag book ng pick-up o padala services sa inyong mga local courier.
Bukod sa mga rekado at grocery goods, ang kailangan mo lamang bilhin para sa puhunan sa isang food tray business ay ang packing goods (bilao, aluminum tray, aluminum foil, cling wrapper.)
Tip: Make your dishes extra special and more marketable by improving your plating!
Alamin: Paano kumuha ng Business Permit
2. Ukay-ukay
Isa ka ba sa mga mahilig mag-mine at ‘add to cart’ online? Turn your fashion taste into a source of income at magsimula ng iyong sariling ukay-ukay business! Maraming wholesale sources ng ukay-ukay bales (packs of multiple clothing, usually from abroad) ang makikita online. Maging makilatis sa feedback ng mga previous customers at maging mapili upang maka-kuha ng high quality items.
Maaari kang magbukas ng physical store sa tapat ng iyong bahay kung maraming tao sa inyong lugar. Ngunit isa sa mga siguradong patok na paraan para makabenta ng ukay-ukay ay through online selling!
Tip: Mas nagmumukhang presentable at mamahalin ang damit kung lalabahan at pa-plantsahin bago kunan ng litrato. More effort, pero more kita rin!
3. Baked goods
Mayroon ka bang talent sa pagba-bake o nagsisimula pa lamang? Basta’t may oven ka sa bahay, kaya nang magsimula ng baking business!
Maraming paraan ngayon para matuto ng baking. Mula sa mga online recipe blogs hanggang sa mga Youtube videos na nagsha-share ng kanilang baking techniques, you can go from zero to hero in baking in no time!
Hindi kailangan magsimula sa mga malalaki at intricate na mga cake. Kahit mga simpleng brownies, cupcakes, or special cookies lamang ay maaari nang pagkakitaan basta mayroong dedication sa paghahanap ng recipe na swak sa panlasa ng iyong mga customer!
Tip: Mag-design ng cute at aesthetic na logo na tatatak sa mata ng iyong mga customer! Tandaan, una nilang makikita ang packaging kaya worth-it mag puhunan para sa magandang first impression.
4. Prepaid load at Game credits
Isa sa pinakasikat na past time ngayon ay ang paglalaro ng online games! Mapa bata man o matanda, maraming nakatutok sa paglalaro ng Mobile Legends, Genshin Impact, at marami pang iba!
Alam mo ba na maaari kang maging retailer ng mga Game credits at in-app purchases na talaga namang pinagiipunan ng mga manlalaro nito? With SmartSari, you can now grow your game credits business in the comfort of your own homes! Madali lang rin ang pagbebenta ng Game credits, tulad ng pagtitinda ng prepaid load na nakasanayan na sa bawat sari-sari store.
Maaari ka rin magsimula ng iyong prepaid load business kasama ang SmartSari. Idownload na ang app sa Google Play!
Tip: Gumawa ng social media page at mag promote ng iyong game credits business online!
5. Sari-sari store
Hindi mawawala ang mga sari-sari store sa bawat barangay! Isa ito sa mga no-fail na negosyo dahil hindi mawawalan ng suki, lalo na kung marami kang kalapit na kapit bahay. Kahit mayroon ka lamang P3,000 o P5,000 bilang puhunan, handa ka nang magbukas ng iyong sariling sari-sari store!
Ilan sa mga must-haves sa iyong sari-sari store ay mga basic goods and groceries tulad ng sachet ng shampoo, conditioner, laundry detergent, at toothpaste. Mahalaga rin magkaroon ng mga snacks, chichirya, at kendi para sa mga bata!
Tip: Magsimula sa ilang mga kilalang produkto o brand. Tingnan kung ano ang mga brand na hinahanap ng iyong mga customer at saka magrestock ng marami sa susunod.
Hindi mo kailangan lumayo from home para makahanap ng mga patok na negosyo pang masa, kailangan mo lang ng sipag at maliit na puhunan at maaari ka nang magkaroon ng small business right from home!
No comments
Let us know your thoughts!