Taguig recorded 337 COVID-19 at the end of ECQ


Here's a report today, May 15, 2020 of Taguig LGU regarding COVID-19 case updates.

TAGUIG CITY COVID-19 CASE UPDATES

May 15, 2020

Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 17 na bagong CONFIRMED cases.

Ito ay mula sa Brgy. Ususan, Bambang, Lower Bicutan, South Signal, Ususan, Upper Bicutan, Katuparan at New Lower Bicutan. Ang kabuuang numero ng confirmed cases sa Taguig ay 337.


Sa kabuuan, simula January 27 hanggang ngayon May 15, 2020, mayroon ng 1,444 na SUSPECT COVID-19 cases, 20 deaths at 66 recoveries sa lungsod.


Ang Taguig City government ay patuloy na sinisiguro na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.

Loading...

Kamakailan lang ay inilunsad na sa Taguig ang SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob dito ang barangay-based testing at ang drive-thru tresting upang mas mapalawak ang testing capacity ng lungsod.

ALSO READ: Workers allowed to cross to and from general, modified quarantine areas: Palace

Maaaring makapag sagot ng self-assessment form sa www.taguiginfo.com o tumawag sa COVID hotline at mga health centers.

Patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.

Hinihingi po ng Taguig City government ang kooperasyon ng bawat isa para masubaybayan lahat ng kaso at mapigilan ang pagdami pa ng mga COVID-19 cases.

Para sa mga katanungan o concern, tawagan ang Taguig COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510.


Mag-bayanihan po tayo para labanan ang COVID-19.

#SafeCity
#ilovetaguig


Narito naman ang pahayag ni Taguig Mayor Lino Cayetano tungkol sa MECQ. Panoorin dito:

No comments

Let us know your thoughts!