Social Items

Naging emosyonal si Manila Mayor Francisco “Yorme Isko Moreno” Domagoso sa kanyang isang public address kamakailan laban sa mga mambabatas na hindi mahagilap sa panahon ng krisis sa kalusugan dala ng coronavirus disease 2019 (covid-19).

Ayon sa alkalde, ito daw ang tamang panahon upang ipakita ng mga senador ang pagmamahal sa taumbayan.

“Mga senador, 24 lang kayo. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Nasaan kayo ngayon? Hinahanap namin kayo. Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon, dahil sa mga sinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Maswerte kayo dahil pinagpala kayo. Paano ‘yung naghihikaso bago pa man mangyari ang krisis na ito at lalong naghihikaso sa kasalukuyang krisis na ito?” sabi ni Mayor Isko.

Pinuna ni Mayor Isko ang mga mahilig tumuligsa sa kasalukuyang gobyerno.

“Ngayon niyo ipakita ang pamumuno ninyo at pagmamahal niyo sa kapwa. Wag kayong maghanap ng butas. Hindi bawat ng salita ng kasalukuyang lider ay bibigyan natin ng kahulugan,” buwelta ni Mayor Isko.

Loading...

Hinamon din ng Punong Lungsod ang mga politiko na ibigay ang sweldo sa mga tao. Matatandaang ilang beses tumanggap ng endorsement deal si Mayor Isko at ginagamit ang talent fee para sa kanyang lungsod.

“Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo. I-donate niyo lahat ng sweldo ninyo. Lahat ng kakayahan ninyo ngayon niyo ipakita sa mga tao,” hamon ng Punong Lungsod ng Maynila.

Naki-usap din ang alkalde sa mga tao na huwag magpagamit sa mga panawagan na palitan ang gobyerno.

“Wag po tayong pagagamit sa ilang panawagan diyan, sa ilang sisihan diyan ng mga politiko. Wag po. Walang maitutulong sa inyo ang mga politika ng politiko laban sa covid-19. Ang mananalo lang sa away ng politiko ay kapwa politiko. Palitan man natin ang liderato, walang makakapagbigay ng tamang solusyon sa ating kinakaharap. Maghunos dili tayo. Paulit-ulit kong sinasabi,” dagdag pa ng Punong Lungsod ng Maynila.

Panoorin ang buong video:

Yorme Isko hinamon ang mga senador na 'missing in action' ngayong krisis sa COVID-19

No comments

Let us know your thoughts!