Nasa 18 milyong pamilya ang tinatayang makatatanggap ng ayuda sa loob ng 2 buwan mula sa pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.
Mangongolekta ang Department of Social Welfare and Administration (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan ng mga listahan ng mga dapat tumanggap ng ayuda, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Bawat pamilyang mapapasama sa listahan ng mga benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng ayuda na naglalaro mula P5,000 hanggang P8,000. Nakabatay ito sa antas ng minimum daily wage sa kani-kanilang rehiyon.
READ: Speaker Alan Peter Cayetano explains SAC distribution
Narito ang mga detalyeng kailangang malaman ukol sa Social Amelioration Program:
Loading...
SINU-SINO ANG MAAARING MAKATANGGAP NG SOCIAL AMELIORATION PACKAGE?
Ang mga sumusunod ang pangunahing target ng ayuda ng pamahalaan:1. Mga pamilyang pinakaapektado ng enhanced community quarantine batay sa pagsusuri ng pamahalaan at mayroong kahit 1 miyembro na:
- Senior Citizen
- Buntis o Nanay na nagpapasuso ng sanggol
- Persons with Disability (PWD)
- Solo Parent
- Indigent Indigenous Peoples
- OFW na nawalan ng trabaho o nagkaproblema sa trabaho dahil sa COVID-19
2. Mga walang tirahan
3. Mga pumapasadang drayber
4 Mga 'no work, no pay' na empleyado
5. Mga kasambahay
6. Mga maliliit na negosyante gaya ng mga may-ari ng sari-sari store na may lupang di tataas sa P100,000 ang halaga
7. Mga pamilyang may maliit na sariling negosyo gaya ng karinderya, prutasan, o gulayan
8. Mga sumasahod ng mas mababa sa minimum wage
9. Mga magsasaka at mangingisda
10. Mga manggagawang na-istranded dahil sa quarantine
PAANO MAKATANGGAP NG AYUDA?
Ayon sa DSWD, ang pamamahagi ng ayuda ay naaayon sa "lebel ng pangangailangan."Narito ang mga hakbang para makatanggap ng tulong ng pamahalaan:
1. Hintayin na makatanggap ng Social Amelioration Card (SAC) form mula sa inyong lokal na pamahalaan. Ipamamahagi ito sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay ng mga opisyal.
2. Kailangan sagutan ng puno ng pamilya ang SAC form. Kailangan kumpleto ang impormasyon na hinihingi sa dokumento.
3. Isumite ang SAC form sa kawani ng lokal na pamahalaan na babalik sa inyong bahay.
4. Ipapahatid ng DSWD at ng ibang ahensya ng gobyerno ang ayuda sa inyo sa pamamagitan ng inyong lokal na pamahalaan.
Para sa paraan ng tamang pag-fill-out ng SAC form, maaaring bisitahin ang Facebook page ng DSWD.
Paalala ng DSWD, ang SAC form ay isang validation tool lamang na naglalayong makita kung sino ang higit na nangangailangan ng emergency assistance sa gitna ng COVID-19 crisis.
“Ang lahat po ay nilalayon naming makatanggap ng Social Amelioration Program subalit ang pagpapamahagi po ay naaayon sa lebel ng pangangailangan. Kung kaya’t ang inyo pong kooperasyon, pagbibigayan at pangunawa ay higit na kinakailangan,” ayon sa ahensya.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa numerong 8951-2803.
Panoorin ang video na ito sa iba pang detalye mula sa DSWD:
RELATED:
- PH extends Luzon-wide quarantine to April 30
- Metro Manila vs NCR - are they different or the same?
- LIST: Cities & Municipalities in Metro Manila (NCR)
- WHO declares coronavirus outbreak as pandemic
- How to avoid COVID-19? Avoid touching 'MEN'
- Coronavirus cases hit 100,000 globally
- 10 Things To Know About Novel Coronavirus (COVID-19)
- MalacaƱang: Hoarders of masks, alcohol will be arrested
- WHO: 70% of Covid-19 infections in China have recovered
Read More: COVID latest, COVID updates, COVID US, virus, coronavirus, health, disease, quarantine, ncov, COVID-19
No comments
Let us know your thoughts!