Social Items

Isinailalim sa lockdown simula nitong hatinggabi ng Lunes ang Biñan City, Laguna matapos maitala ang kauna-unahang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Dahil sa lockdown, naglatag ng maraming checkpoint ang mga awtoridad sa mga daan papasok at palabas ng lungsod.

Bukas ang mga supermarket at palengke pero mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, at alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi lang pinapayagan makabili ang mga residente para mamili.

Ipinagbawal na rin ang dalaw sa mga preso at hindi na nakakapasok ng police stations ang walang suot na face mask.

READ: Plastic bags ginamit bilang protective gear sa ospital sa Laguna

Loading...

Ipinatupad ang mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Isang 58 taong gulang na babae ang unang kaso ng COVID-19 sa Biñan, ayon kay Mayor Arman Dimaguila.

Wala umanong travel history ang pasyente at sinuri noong Marso 16 matapos makitaan ng sintomas.

Isinara na ang subdivision kung saan nakatira ang pasyente at nagsasagawa rin ng pag-disinfect ang mga awtoridad sa lugar.

READ: PH records 82 new COVID-19 cases, 462 total

Sa ngayon, may 30 nang itinuturing na persons under investigation at 230 na persons under monitoring sa lungsod.

Bibili na rin umano ang pamahalaang lokal ng Biñan ng pang-test sa COVID-19 para mapabilis ang pagsuri ng mga posibleng nahawahan ng virus.

ALSO READ:

This article is written up in support to spread awareness for COVID-19 cases in the Philippines.

Unang COVID-19 case naitala sa Biñan, lungsod isasailalim sa lockdown

No comments

Let us know your thoughts!