Social Items

DOTr Guidelines on Social Distancing and Community Quarantine [TAGALOG]

The Department of Transportation's (DOTr) provided guidelines to follow during the metro-wide quarantine.

The Philippines implements 'community quarantine' starting March 15, 2020 after President Duterte announces it last Thursday. Because of this, the agencies in the countries provided each of their guidelines in cooperation to the said lockdown.

Here are the following guidelines (in Tagalog language) in transportation as given by DOTr:

GENERAL GUIDELINES

Alinsunod sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 12 series of 2020, na ipinalabas ng ika-13 ng Marso 2020, ang mga sumusunod na general guidelines o panuntunan ay kinakailangang sundin batay sa pagpapatupad ng community quarantine sa buong National Capital Region, upang siguruhin ang kapakanan at kaligtasan ng mga mananakay:

1. Ipagbabawal ang non-essential entry o pagpasok ng mga tao sa contained area, lalo na sa mga indibidwal na itinuturing na high risk na mahawaan ng sakit, tulad na lamang ng mga nasa edad 60 taong gulang pataas, mahina ang immune system, may tinatawag na co-morbidities at ganoon din ang mga buntis, maliban sa mga sumusunod: (1) health workers (2) mga otorisadong opisyal ng gobyerno (3) bumabiyahe para sa humanitarian works (4) mga tutungo ng airport para mangibang-bansa (5) nagtatrabaho para magbigay ng basic services at public utilities at (6) kabilang sa mga itinalagang skeletal workforce.

2. Ipagbabawal rin ang non-essential exit o paglabas ng mga tao sa contained area, maliban sa (1) health workers (2) mga otorisadong opisyal ng gobyerno (3) bumabiyahe para sa humanitarian works at (4) mga binigyan ng entry base sa mga probisyong nabanggit.

3. Ipatutupad ang social distancing at iba pang precautionary measures o panuntunan upang iwasan ang pagkahawa mula sa virus.

LIST: Road Checkpoint during Metro Manila quarantine

II. SECTORAL GUIDELINES

ROAD SECTOR

1. PASSENGER LIMIT para sa mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN:

i. Taxis/Transportation Network Vehicle Services (TNVS), kasama na ang mga airport taxi: Hindi lalagpas sa apat (4) na pasahero, one seat apart;

ii. UV Express: Hindi lalagpas sa anim (6) na pasahero kasama na ang driver, one seat apart;

iii. Lumang Jeepneys: Hindi lalagpas sa kalahati ng normal na kapasidad, kasama na ang drayber, one seat apart;

iv. Modern PUVs: Hindi dapat lumagpas sa kalahati ng regular na seating capacity, one seat apart, at walang nakatayong pasahero;

v. Pampublikong Bus: Hindi dapat lalagpas sa twenty-five (25) na pasahero, kasama na ang drayber at konduktor, one seat apart, at walang nakatayong pasahero.

2. IPINAGBABAWAL na muna ang Multiple Bookings para sa single trip ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa kasagsagan ng Community Quarantine.

3. Ipinag-uutos din na kinakailangang payuhan ng lahat ng Operators ang kanilang mga driver at konduktor na obserbahan ang kanilang mga pasahero kapag bumabiyahe. Oras na makitaan ang sinumang pasahero ng mga sintomas ng COVID -19, kailangan nilang tulungang dalhin sa pinakamalapit na ospital, at i-report ang insidente sa Department of Health (DOH) o sa Philippine National Police (PNP) upang mabigyan ng agarang aksyon.

Required o kinakailangan ding makipagtulungan at sumunod ang lahat ng PUV drivers at mga konduktor sa panuntunang ipinapatupad ng DOH at PNP.

4. HINDI PAPAPASUKIN SA ANUMANG TERMINAL ang sinuman na may sintomas ng COVID-19, gaya ng may 38 degrees Centigrade o higit pa na body temperature, may malalang ubo, o hirap sa paghinga.

5. Ipatitigil ang lahat ng mga provincial bus, inter-regional trips ng mga jeepney at UV Express, palabas at papasok ng Metro Manila sa mga entry points na itinalaga ng PNP.

Sa lahat ng PUVs na papasok at lalabas ng Metro Manila, pinapayuhan ang mga driver at konduktor nito na paalalahanan ang lahat ng pasahero na maghandang ipresenta ang kani-kanilang mga valid company ID (na may nakasaad ng lugar ng pinagtatrabahuhan) at government-issued ID (na may nakasaad ng lugar kung saan nakatira), alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG) o PNP procedures and protocols sa lahat ng entry/exit points. Inaasahan ding sumunod at makikipagtulungan ang lahat ng PUV drivers at mga konduktor sa protocols at procudures ng DOH at PNP.

6. PAPAYAGAN ang mga Point-to-Point (P2P) Buses mula Ninoy Aquino International Airport hanggang Clark International Airport at Sangley Airport ng naaayon sa schedule at sa mga protocol at procedure ng DOH at PNP.

7. Ang mga sumusunod na panuntunan, na unang ipinatupad kasunod ng kumpirmasyon ng DOH sa unang kaso ng COVID-19 sa bansa, ay patuloy na isasagawa:

8. Lahat ng PUV drivers at mga konduktor ay kinakailangang magsuot ng mask sa lahat ng oras;

9. Lahat ng transport at terminal operators ay kinakailangang ipatupad ang kalinisan sa lahat ng PUV fleets at lugar na kanilang nasasakupan araw-araw. Dapat rin silang maglaan ng disinfectants o sanitizer dispensers nang libre sa mga pasahero;

10. Paglalagay ng mga anunsiyo o paalala sa mga mahahalagang lokasyon upang makatulong bigyan ng impormasyon ang publiko sa pag-iwas sa virus; at

11. Lahat ng PUV at terminal operators ay pinapayuhang magpatupad ng iba pang panuntunan para maiwasan ang pagkahawa sa virus mula sa mga pampublikong transportasyon.

READ: Manila Mayor Isko Moreno implements COVID-19 action plan

B. RAIL SECTOR

1. Ang mga tren ay mag-o-operate ng may “reduced capacity” upang mabawasan ang dami ng tao sa loob ng bawat bagon. Ire-regulate ng mga station personnel ang pagpasok ng mga pasahero mula sa istasyin hanggang sa mga tren.

2. Lilimitahan din ang dami ng mga pasahero sa station platforms, concourses, at mga elevator. Pamamahalaan ng station personnel ang pagpasok ng mga pasahero sa mga istasyon at sisiguruhing maayos at naaayon ang distansya sa pila sa loob at labas ng mga istasyon.

Ang mga nabanggit na panuntunan ay maaring mapababa ang kapasidad ng ating railway lines at magresulta sa mahabang pila. Kaya’t hinihingi namin sa mga pasahero ang kanilang pang-unawa dahil ang lahat ng ito ay para makatulong solusyunan ang kasalukuyang Public Health Emergency na kinakaharap ng bansa.

Alinsunod sa IATF at DOTr guidelines na nagpapatupad ng 1-meter social distancing, mababawasan ang kapasidad ng mga tren at platforms sa 25%.

3. Pagbabawalang pumasok sa mga istasyon at tren ang sinumang pasahero na may sintomas ng COVID-19 o may temperaturang 38 degrees centigrade pataas, batay na rin sa DOH guidelines. Sakaling may makitaang kaso nito, kailangang isagawa ng concerned station personnel ang DOH guidelines ukol sa pagresponde sa COVID-19.

4. Mas paiigtingin pa ang paghihiwalay sa mga babae at senior citizens sa loob ng tren. Ngayon, magkakaroon na rin ng subsection o hiwalay na lugar para lamang sa mga senior citizens o matatanda.

READ: 'Social Distancing' isinagawa sa MRT-3

5. SUSPENDIDO na muna ang operasyon ng PNR mula Alabang hanggang Calamba at vice versa sa kasagsagan ng community quarantine.

6. Ang mga sumusunod na panuntunan, na unang ipinatupad kasunod ng kumpirmasyon ng DOH sa unang kaso ng COVID-19 sa bansa, ay patuloy na isasagawa:

i. Paglalagay ng mga alcohol-based hand sanitizers at pagsisiguro na may hand wash soap o sabon sa lahat ng mga palikuran.

ii. Pag-disinfect sa mga tren at istasyon, partikular na sa mga bagay na kadalasang nahahawakan ng mga pasahero o exposed sa publiko. Kailangang i-disinfect ang mga tren kada ikot nito (halimbawa: tuwing makakarating ang tren sa dulong istasyon).

iii. Kailangang magsuot ng face mask, lalo na ang mga frontline station at security personnel.

iv. Paggamit ng non-contact thermometers para matukoy at makontrol ang pagpasok ng mga pasaherong may mataas na temperatura ng katawan. Kailangang handa ang mga station personnel na sumunod sa COVID-19 response standard operating procedure para tugunan ang sinumang makitaan ng sintomas.

v. Paggamit ng mga TV screens sa lahat ng istasyon ng tren, kung mayroon, upang magpalabas ng DOH material patungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin o mga paraan para makaiwas ang pagkahawa sa COVID-19, at paglalagay ng print materials o nakalimbag na panuntunan mula sa DOH.

vi Pagpaskil sa mga mahahalaganag lokasyon ng mga anunsyo at paalala na makatutulong upang makaiwas sa pagkahawa ng virus.

7. Lahat ng Rail operators ay pinapayuhang magpatupad ng iba pang panuntunan para maiwasan ang pagkahawa sa virus sa loob ng ating mga rail line.

C. AVIATION SECTOR

1. WALA NA MUNANG PAPAYAGANG DOMESTIC FLIGHTS sa lugar na sakop ng community quarantine maliban sa mga sumusunod:

Cargo flights;
Air ambulance at medical supplies;
Government/Military flights;
Weather mitigation flights; at
Maintenance and utility flights

2 HINDI NA MUNA PAPAYAGAN ang mga GENERAL AVIATION FLIGHTS sa loob ng community quarantine area. Ang nga general aviation flights ay ida-divert sa Sangley Airport at Clark Airport.

Loading...

International/Commercial Flights

PAPAYAGAN ang mga Point-to-Point (P2P) Buses mula Ninoy Aquino International Airport hanggang Clark International Airport at Sangley Airport ng naaayon sa schedule at sa mga protocol at procedure ng DOH at PNP.Maaaring mag-desisyon ang mga pasahero na i-terminate ang kanilang flight sa Metro Manila, at iayos ang sarili nilang transportasyon sa loob ng area;Kailangang magbigay ng opsyon ang airlines para sa mga biyahe sa labas ng Maynila; at

Ang CAAP ay makikipag-ugnayan sa mga lokal na airlines hinggil sa pagpapatupad ng sweeper flight/s palabas ng Maynila at iba pang paliparan.

3 Ipatutupad sa bawat pasahero ang isang (1) metrong radius na layo sa isa’t isa. Magkakaroon ang mga lugar kung saan may pila (xray, check-in counter queues, etc.) ng mga signage people upang iptupad ang proper social distancing.

4 SUSPENDIDO na muna ang pagbibigay ng access passes sa mga bisita.

Tanging ang mga pasahero o nararapat na personnel lamang ang papayagang pumasok at lumabas sa paliparan.

5 Ipatutupad din ang maayos na pila at wastong distansya para sa lahat ng pasahero, empleyado, mga tao sa check-in counters, immigration area, concourse, elevator, escalator, at access pass control windows.

D. MARITIME SECTOR

Ang mga sumusunod ay mahigpit na ipatutupad:

1 Para sa mga pasahero at iba pang Maritime Personnel:

Paiigtingin ang kamalayan ng pasahero ukol sa mga panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng paglalagay ng signages o paalala at pamimigay ng fliers o pamphlets at paggamit ng Public Address (PA) system sa mga pantalan at onboard vessels.

Ipatutupad ang one-meter social distancing measures sa mga pantalan, terminal, at onboard vessels at watercraft.

Patuloy na isasagawa ang screening at pamamahala sa mga pasahero alinsunod sa panuntunan ng DOH;

Ang mga crew ng cargo vesseld na nanggaling sa mga pantalan na apektado ng COVID-19 batay sa IATF Resolutions ay dadaan sa mahigpit na quarantine procedures, at hindi papayagang bumaba, ng naayon sa existing guidelines.

2. Para sa mga Ship at Cargo:

SUSPENDIDIO NA MUNA ang galaw ng mga pasahero sa lahat ng mga pantalan na papasok at palabas ng NCR sa kasagsagan ng community quarantine.

Subalit, PAPAYAGAN naman ang mga ferry service sa loob ng NCR na magpatuloy ng operasyon, sa kondisyon na ipatutupad nito ang 50% reduced capacity na ipinatutupad ng MARINA.

Ang mga barko na normal na bumibiyahe tungo sa NCR ay papayagang dumaong sa mga pantalan sa labas ng Metro Manila, basta sila at magsusumite ng aplikasyon sa MARINA ng kanilang Special Permit.

Lahat ng pasahero at mga vessel ay kailangang magsagawa ng hygienic procedures o gawaing pangkalinisan na ipinapayo ng DOH.

Ang galawan ng mga cargo patungo at palabas ng NCR ay HINDI MAAANTALA.

Lahat ng cargo trucks/vans papasok at palabas ng Port of Manila (South Harbor, MICT, North Harbor at Manila Harbor Center) ay kailangang kumuha ng Cargo Entry/Withdrawal Permit (CEWP) mula sa Philippine Ports Authority (PPA), na siya nilang ipakikita for validation sa mga itinalagang check point.; at

SUSPENDIDO NA MUNA ang nga waste reception services sa mga pantalan. Ang nga foreign at domestic ships ay obligadong i-unlod ang kanilang mga “waste” sa susunod na daungan o pantalan sa labas ng NCR.

3. Controlled Areas

Magpapatupad ang Philippine Coast Guard ng “No Sail Policy” o pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat na naglululan ng mga pasahero sa lahat ng pantalan sa buong Metro Manila, maliban sa: (1) mga dayuhang sasakyang pandagat na kinakailangang dumaan sa mga proseso ng Bureau of Customs, Bureau of Quarantine, Bureau of Immigration at Philippine Coast Guard; (2) mga lokal na sasakyang pandagat na naglululan lamang ng mga kargamento; (3) mga sasakyang pandagat para sa pangingisda; at (4) mga opisyal na sasakyang pandagat ng pamahalaan, ayon sa mga alituntunin at patakaran ng Department of Health.

Magtatalaga rin ng mga entry at exit controls sa mga pantalan at iba pang maritime areas at karagatan na tinukoy ng Philippine Coast Guard (PCG).

III. EFFECTIVITY

Ang guidelines na ito ay agarang ipatutupad at magiging epektibo sa kabuuan ng obserbasyon ng Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) hanggang sa ang naturang medical condition ay tuluyan nang tanggalin ng mga otoridad sa larangan ng kalusugan.

Ang polisiyang ito ay isasailalim sa araw-araw na review o pagsusuri kung kinakailangan. Lahat ng mga panuntunan o bahagi ng guidelines na unang inilabas ng departamentong ito na maituturing na inconsistent o hindi tumutugma ay ipinapawalang-bisa.

WHAT IS DOTr?

The Department of Transportation is the executive department of the Philippine government responsible for the maintenance and expansion of viable, efficient, and dependable transportation systems as effective instruments for national recovery and economic progress.

No comments

Let us know your thoughts!