Ibinahagi ng prominenteng astrophysicist na si Dr. Rogel Mari Sese ang kanyang karanasan bilang isa sa mga pasahero ng inaugural run ng Japanese train ng Philippine National Railways (PNR).
Ayon kay Dr. Sese, first time nya na sinubukan ang PNR line na ito na may rutang Los Baños (IRRI)-Tutuban. Sa kanyang naging experience, pinatunayan nya na mas magiging madali na ang pagbiyahe ng mga kagaya niyang magmumula pa sa Laguna patungong Maynila at hindi na niya kinakailangan pang dalhin ang kanyang kotse at maipit sa traffic.
"Overall, the train is highly recommended for commuters coming from Laguna. It is a comfortable and cost-efficient ride that we now have. For someone like me who takes a car going to Manila, this is a very welcome and cheaper alternative! Seems like I now have a much better option whenever I go to the capital. Hopefully, more and more of our kababayans would patronize this service and lead to higher train frequency in the future," ani Sese.
Ang naturang mass transit system ng PNR ay gumagamit ng Kogane train na mula sa Japan at binubuo ng tatlong bagon. Komportableng lakbay ang dulot ng mga reclining at rotating seats ng naturang tren. Mayroon ding stowable table at leg rest ang mga upuan ng tren. Meron din itong sariling comfort room.
Sa ilalim ng paggabay ng Department of Transportation (DOTr), handog ng PNR ang naturang refurbished Japanese train para sa mas maginhawang pagbiyahe ng mga pasahero.
No comments
Let us know your thoughts!