Ito’y matapos na maging maayos at matagumpay ang ginawang inspection trip ng PNR sa tren nito mula Tutuban, Maynila patungong Camarines Sur at pabalik.
Umalis ang tren sa Tutuban noong September 20 patungong Camarines Sur at nakabalik nito lamang September 23.
Kabilang sa mga rutang dinaanan ang San Pablo, Laguna; Lucena City, Quezon Province; at ang Sipocot, Naga City at Iriga City.
Sakay ng nasabing inspection trip ang PNR inspection team mula sa PNR Operations Engineering, at Rolling Stock Management and Planning.
Tumagal ng 12 oras at 44 na minuto ang inspection trip mula Naga hanggang Tutuban, tatlong oras na mas mabilis kaysa sa normal na biyahe mula Naga pa-Maynila.
Ginawa ang inspeksyon bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng biyahe ng PNR na rutang Sipocot-Naga-Legazpi commuter service.
Source: Philippines Today
No comments
Let us know your thoughts!