Isisilbi dapat ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang search warrant para sa ilegal na armas, pero sa halip na mga baril, mga bungkos ng pekeng pera ang bumungad sa mga operatiba.
Pawang tig-P1,000 at P500 ang denominasyon ng pekeng pera.
Ayon sa CIDG-NCR, sa unang tingin, hindi mahahalata ang pagkakaiba ng pekeng pera sa tunay.
Ibinebenta rin daw ang mga pekeng pera sa mas murang halaga--P100 hanggang P300 lang.
Hindi rin inaalis ng CIDG-NCR ang posibilidad na gagamitin ang pekeng pera sa nalalapit na barangay elections para pambili ng boto.
Puwede ring modus ng mga kawatan na isingit ang pekeng pera sa malakihang transaksiyon.
Kapag daw kasi inihalo ang peke sa mga tunay na pera, mas lalong hindi ito mahahalata.
Anim ang arestado na nakuhanan din ng mga di lisensiyadong baril at bala:
- Jaypee Balis
- Aladdin Akil
- Satar Akil
- Ramil Badang
- Alpha Sabar
- Watari Kusay
Inihahanda na ang mga reklamong isasampa laban sa mga suspek.
Source: news.abs-cbn.com
No comments
Let us know your thoughts!